Pambungad: Pananatilihin kong Tagalog ang
post na ito sa abot ng aking makakaya. Ngunit tila simula pa lang, ako ay nabigo na.
Tuwing buwan ng Agosto, ay bumabalik sa akin ang mga alaala ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa tradisyunal na paraan; sapagkat, sa aking dating paaralan ay napaka-tradisyunal at makabuluhan ang pagdadaos ng selebrasyong ito. Nagkakaroon ng mga Balagtasan (isang mala-debateng panatiko) kung saan ako ay nabigyan ng pagkakataon na lumahok sa dalawang pagkakataon; Etnikong Pagsayaw (Traditional
Folk Dances) tulad ng Cariñosa, Tinikling, Subli, Binasuan at Sayaw sa Bangko (ako ay napabilang sa pagsayaw ng dalawang huling binanggit
*); at Pagtatanghal ng Iba pang Maka-Pilipinong tradisyon. Nagkakaroon rin ng pagsasalu-salo sa bawat klase kung saan ang bawat bata ay inaasahang magdala ng "Pilipinong Pag-kain" **. Pagkatapos ng salu-salo ay magkakaroon ng ilang patimpalak.
Masaya ang pagdaraos ng Buwan ng Wika sa dati kong paaralan. Ramdam ng bawat kalahok at mag-aaral ang halaga ng pagdiriwang. Kaya ngayon sa aking bagong paaralan, ay tila ba aking hinahanap-hanap ang saya at makabayang diwa ng selebrasyong aking kinamulatan.
* Ang pagsayaw naming ng Binasuan ay nagbigay sa amin ng oportunidad na magsayaw sa buong pamayanan ng Cainta sa sabay sa pagdiriwang namin ng piyesta.
** Sa mga pagkakataong ito ay mamamalas ang kakuriputan ng aking ina. Sinisugarado niya na ang dadalhin ko lamang sa salu-salo ay
inumin o
kanin.Ipagpapatuloy...